ang sarap ng chocolate na kinder bigay ng ka opismeyt kong si trudis liit…salamat trudis liit! naalala ko tuloy yung mga kalokohan ko nung kinder at elementary pako..
- pag papasok ako sa skul nung kinder pako ang baon ko ay 2 pesos (yung hugis hexagon), kinukupit ko lang yun sa kaha ng tindahan namin pero dati after ng uwian binabalik ko pa pero nung nag elementary at high school hindi na.
- twing may drawing seatwork kami hindi ko ginagawa kasi di ako marunong mag drawing at magkulay kaya habang busy ang mga kaklase ko luluhod ako sa sahig at lilibutin ko ang buong klassroom at mang haharbat (nenok or nakaw) ng magagandang crayons at lapis..naniniwala kasi ako dati na “finders keepers”.pag uwi ko ng bahay ang dami kong bagong pang kulay at lapis…
- hindi naman ako palaaway nung bata pako pero hindi ako inaaway ng mga bully kong kaklase alam kasi nila na papatulan ko sila pag inaway nila ako.. naalala ko napaiyak ko yung siga dati kaya medyo untouchable nako nung bata ako kasi napa iyak ko nga lider nila..papano? binato ko ng eraser sa mukha, nang iinis kasi habang may kinokopya ako sa blackboard.
- nakapanghampas na rin ako ng makapal ng libro sa mukha ng clasmate ko nung grade 3 ako.ginising kasi ako ng natutulog ako sabi ko “anong problema mo?” ang sagot nya “wala, trip ko lang!” kaya ang ginawa ko hinampas ko ng libro sa mukha tapos sabi ko “sorry, trip ko lang din”.
- paborito ko rin libangan ang manghuli ng butiki at langaw/bangaw twing reces. anong ginagawa ko? sa butiki, pinuputol ko yung buntot tapos ilalagay ko sa kahon ng posporo. yung langaw at bangaw naman ay kinukulong ko sa selopin tapos pag nahilo sila titirisin ko hangang lumabas ang bituka..(fyi yung bangaw yung mas malaki at mataba while yung langaw naman yung payatot).
- nung bumait naman ako nung grade 3 ako nag tinda ako ng sandwitch at mga kendi para kalabanin ang cantin namin… para may savings ako at pambili ng laruan at kung ano ano pa nung elementary ako.
- napag tripan ko din ang pusa, sa bakanteng lote katabi ng eskwelahan namin ay sinabuyan ko ang pusa ng gas tapos sinindihan ko ng posporo pinatunayan ko lang yung sabi ng teacher ko sa science na siyam daw ang buhay nila..hindi naman totoo. (oo, alam ko bad ako kasi mamamatay pusa ako.. dont worry diko na uulitin. pramis!)
- dahil mahina ako sa english nung grade six ako tinakot ko yung kaklase ko na isusumbong ko sya sa nanay nya na may bf na sya kahit wala! sa takot nya sumusunod sya sa gusto ko at ginagawan nya ako ng assignment tapos pinapakopya pa…napaka bad ni mang badoy!
- ang lakas din ng trip naman na maglaro ng spirit of the glass sa taas ng building pag gumagabi exiting pero wala naman kaming naramdamang multo… pati yung spirit of the pencil pinauso na ng kaibigan ko…
- na try nyo na bang paniwalain ang mga friends nyong nakakausap kayo ng dwende kahit hindi naman? hahahah! na try ko yan kasi usong uso ang dwende ng bata ako kaya sabi namin may friends kaming dwende nilalagyan pa namin ng pakwan or pagkain ang puno pagdating at kinabukas nauubos naman pero pag tiningnan mo sa likod makikita mong andun ang pagkain at daladala ng mga mapupulang langgam.
sarap maging bata ano? sana ganun pa rin tayo ngayon walang iniisip puro kapilyuhan lang! kung maibabalik ko lang diko sana pinatay ang pusa…
0 comments:
Post a Comment