Napakinggan ng ABS-CBN ang mga naging pahayag ni Willie Revillame sa kanyang interview sa 24 Oras. Wala namang pinagbago sa kanyang mga nasabi na sa kanyang press conference nuong August 9.
Nais naming ulitin ang aming nasabi na na rin na si Willie ay may pinirmahang kontrata hanggang September 2011. Nilabag ni Willie ang behavioral provisions ng naturang kontrata nang binantaan nito ang pamunuan ng ABS-CBN sa episode ng Wowowee noong Mayo 4, 2010 at sinabing siya ay magbibitiw sa trabaho kapag hindi tinanggal ng pamunuan ang isa pang TV/radio personality ng network. Ang kanyang banta ay nagpakita ng kawalan ng respeto at pagiging arrogante. Ang ipinakita nyang hindi magandang asal ay hindi katanggap-tanggap sa mga Pilipino.
Dahil si Willie ang lumabag sa kontrata, hindi sa kanya ang desisyon na mapawalang bisa ito. Sinumang lumabag sa kasunduan ay hindi maaring mag-dikta kung ito ay itutuloy o tatapusin. Ang kontrata ay isang kasunduan na dapat bigyan ng kaukulang respeto.Ano pa ang magiging halaga ng mga kontrata kung ito ay maaring tapusin anu mang oras naiisin?
Ang ABS-CBN ang naagrabyado dito kaya ito ang may karapatan na magdesisyon kung itutuloy ang kontrata o hindi.
Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, desisyon ng ABS-CBN na ituloy ang kontrata. Naniniwala ito na dapat pa ring gampanan ni Willie ang mga obligasyong nakasaad sa kontrata na magtatapos pa sa September 2011.
0 comments:
Post a Comment